Pagtanggap sa weapons grant ng China, hindi problema ayon sa AFP
Walang nakikitang mali ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagtanggap ng Pilipinas sa P720 milyong weapons grant mula sa China.
Iginiit ni AFP public affairs office chief Col. Edgard Arevalo na pinatunayan lamang ng China sa kanilang alok ang matagal nang samahan nito at ng Pilipinas.
Bukod dito, naniniwala si Arevalo na wala namang kapalit na mga kundison ang nasabing alok ng China na inaasahan pang malaki ang maitutulong sa Hukbong Sandatahan.
Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, kabilang sa mga ibibigay ng China ay mga fast boats, drones, night vision goggles at communications equipment, bagaman hindi pa nila tukoy kung gaano karami.
Mismong si Chinese Ambassador to Manila Zhao Jianhua pa ang nagpaabot ng alok na ito kina Pangulong Duterte at Lorenzana, bilang tulong sa kampanya ng bansa kontra iligal na droga at terorismo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.