Mga kaso laban sa mga Binay, minamadali na ng Sandiganbayan

By Kabie Aenlle December 24, 2016 - 05:18 AM

jejomar-binayGinagawa na ng Sandiganbayan ang lahat ng kanilang makakaya upang mas mapabilis pa ang proseso ng paglalabas ng resolusyon tungkol sa mga nakabinbin pang mosyon ng mag-amang dating Vice President Jejomar Binay at anak nitong si dating Makati Mayor Junjun Binay, na ibasura ang mga kasong graft laban sa kanila.

Ang mga nasabing kaso laban sa kanila ay may kinalaman sa P2.28 bilyong halaga ng City Hall carpark building sa Makati na umano’y overpriced.

Gayunman, sinabi ni Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang na hindi dapat masakripisyo ang justisya sa pagpapabilis ng proseso.

Aniya, tulad ng sinasabi ng Korte Suprema, dapat may kaakibat na hustisya ang bilis ng kilos ng korte, at ito naman aniya ang kanilang ginagawa.

Si Tang ang pinuno ng Thrid Division ng Sandiganbayan na may hawak sa mga kaso ng mga Binay.

Natambakan aniya sila ng 20 iba pang mga motions for judicial determination of probable cause mula sa mga kapwa akusado ng mga Binay, at pawang mga “under study” pa rin ang mga ito.

Kailangan kasi aniyang isa-isahin talaga ang mga ito upang makabuo ng judicious determination base sa lahat ng grounds na naipabatid sa bawat mosyong inihain.

Matatandaang inakusahan ng graft and malversation ng Office of the Ombudsman ang mga Binay at iba pang opisyal ng lungsod ng Makati, dahil sa umano’y pagpabor sa kanilang mga preferred contractors sa bidding ng design at construction ng bagong gusali.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.