Mga detalye sa diborsyo nina Angelina Jolie at Brad Pitt na may kaugnayan sa kanilang mga anak, ipinatatago sa publiko ng aktor

By Marilyn Montaño December 23, 2016 - 04:46 PM

brad-pitt-angelina-jolie-600x337Inakusahan ni Brad Pitt si Angelina Jolie na inilalagay sa panganib ang privacy ng kanilang mga anak.

Dahil dito ay hiniling ni Brad sa korte na huwag isapubliko ang mga detalye ukol sa mga bata sa gitna ng proseso ng diborsyo sa kasal nila ni Angelina.

Ayon sa kampo ng aktor, binabalewala ng aktres ang kapakanan ng tatlo nilang mga anak na lalaki at tatlong babae dahil pinapalabas umano ng abogado ni Jolie na masama si Pitt.

Argumento ng mga abogado ni Pitt, nilabag ng asawa ang kasunduan na protektahan ang privacy ng mga bata, na ang mga edad ay mula walo hanggang labing-limang taon, sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga pangalan ng therapists ng kanilang pamilya.

Naghain ng divorce si Jolie noong Setyembre sa ground na irreconcilable differences at humirit ito ng sole custody sa kanilang mga anak.

Inabswelto naman ng Federal Bureau of Investigation (FBI) si Pitt sa alegasyon na sinaktan nito ang isa sa mga bata sa biyahe nila mula France.

 

 

 

 

TAGS: Angelina Jolie, brad pitt, divorce, FBI, Angelina Jolie, brad pitt, divorce, FBI

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.