Bahagi ng Veterans Hospital, nasunog
By Alvin Barcelona, Dona Dominguez-Cargullo December 23, 2016 - 03:27 PM
Tinupok ng apoy ang bahagi ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City.
Nagsimula ang sunog pasado alas dos ng hapon ng Biyernes, (Dec.23) at itinaas sa ikatlong alarma alas 2:1 7 ng hapon.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) nagana pang sunog sa loob ng engineering department ng pagamutan.
Alas 2:32 naman ng hapon nang maideklarang under control na ang sunog.
Wala namang napaulat na nasaktan sa nasabing insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.