Bagyong Nina, lumakas pa; public storm warning signal itataas sa Bicol at Samar area mamaya o bukas

By Dona Dominguez-Cargullo December 23, 2016 - 11:45 AM

Lalo pang lumakas ang bagyong Nina at inaasahang tatama sa kalupaan sa mismong araw ng bagyo.

Sa 11AM weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang severe tropical storm Nina sa layong 790 kilometer East ng Guiuan, Eastern Samar.

Taglay na ngayon ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 105 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 130 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometer bawat oras sa direksyong West Northwest.

Ayon sa PAGASA, sa December 25 ng hapon o gabi tatama sa lupa ang bagyo, at sa December 26 ito magsisimulang maramdaman sa Metro Manila.

Mamayang hapon o gabi ay maaring magtaas na ng public storm warning signal number sa Bicol region at sa Samar area.

Habang sa Metro Manila, may posibilidad din na magtaas ng storm warning signals number 2 hanggang 3 depende sa lakas ng bagyo matapos itong makapaglandfall.

Sa Miyerkules ng hapon o gabi inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.

 

TAGS: Pagasa, Philippine weather, Tropical Storm Nina, weather, Pagasa, Philippine weather, Tropical Storm Nina, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.