Biyahe ng MRT, dalawang beses nagka-aberya

By Dona Dominguez-Cargullo December 23, 2016 - 10:14 AM

MRT-0507-660x371Dalawang magkasunod na aberya ang naranasan ng mga pasahero ng Metro Rail Transit 3, ngayong umaga ng Biyernes.

Sa abiso ng MRT sa kanilang twitter account, alas 7:45 ng umaga nang unang maranasan ang aberya makaraang isang tren nito ang makaranas ng technical problem.

Pinababa ang mga pasahero sa GMA Kamuning station sa southbound at pinasakay na lamang sa kasunod na tren.

Alas 8:07 naman ng umaga, muling nakaranas ng technical problem ang isa pang tren ng MRT at pinababa din ang mga pasahero sa bahagi ng Magallanes station southbound.

Kagabi sa kasagsagan ng rush hour, mula alas 8:28 ng gabi, nagpatupad ng provisional service o pina-iksing biyahe ang MRT mula Shaw hanggang Taft Station lamang dahil din sa technical problem.

Inabot ng dalawang oras bago naibalik ang buong serbisyo ng tren.

 

 

TAGS: MRT, MRT unloads passengers, technical problem, MRT, MRT unloads passengers, technical problem

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.