Pasahero ng JetBlue Airways plane sa New York, pinababa matapos sigawan ang anak ni U.S. President-elect Donald Trump
Pinababa ng eroplano ng JetBlue Airways Corporation sa John F. Kennedy International Airport sa New York ang isang pasahero matapos pagsisigawan ang anak ni U.S. President-elect Donald Trump na si Ivanka Trump.
Nasa parehong flight si Ivanka na patungo sa Hawaii para sa isang family vacation.
Sa ulat, sinabihan umano ng nasabing pasahero si Ivanka na ang ama nitong si Donald Trump ay sisirain ang bansa.
Sinabi pa umano ng pasahero na dapat ay nasa pribadong eroplano si Ivanka at wala sa nasabing commercial flight.
Tiniyak naman ng pamunuan ng JetBlue na ang pasaherong pinababa ay kanilang inaccommodate sa kasunod na flight.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.