Pagkakaroon ng social media subject, malabo ayon sa DepEd

By Ricky Brozas December 22, 2016 - 12:51 PM

internet-userBagama’t maganda ang layunin, malabo na maisama pa o magkaroon ng hiwalay na subject para maituro sa mga mag-aaral ang tamang asal sa paggamit ng social media tulad ng Facebook, Twitter at Instagram.

Pahayag ito ng Department of Education sa gitna ng isinusulong ng isang Kongresista na dapat mayroon na ring social media subject ang mga kabataan upang maging responsableng netizen.

Pero ayon kay DepEd Asec. Tonisito Umali, masyado nang maraming subject ngayon at baka hindi na kayanin pa ng estudyante ang karagdagang isang oras ng pakikinig at pananatili sa paaralan para sa isa pang bagong asignatura.

Inihayag ni Umali na maaaring isingit na lamang ang social media values sa ibang subject tulad ng good manners and right conduct o values education.

Tutal din naman aniya, taon-taon ay nagkakaroon ng kampanya ang DepEd kaugnay sa pagiging responsableng paggamit ng social media

Kung maalala, noong lamang mga nakaraang buwan ay umusok ang Facebook at Twitter matapos magbangayan doon ang mga pro at anti Marcos kung saan ang iba ay animo’y ”below the belt” na o pagmamalabis na ang kanilang mga komento.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.