Mga sundalo, pinayuhan ni Duterte na respetuhin ang human rights at batas

By Kabie Aenlle December 22, 2016 - 04:49 AM

 

Grig Montegrande/Inquirer

Sa pagharap niya sa mga sundalo sa 81st Anniversary ng Armed Forces of the Philippines sa Camp Aguinaldo, nagbilin si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ito na laging respetuhin ang karapatang pantao at ang pagpapairal ng batas sa kanilang mga operasyon.

Sa kaniyang talumpati, tinawag ni Duterte ang mga militar bilang “bedrock of our democratic ideals” dahil sa mandato nitong protektahan ang bansa at ang mga mamamayan.

Kasunod nito ay pinaalalahanan niya ang mga sundalo na tiyakin ang pagiging handa sa kanilang mga operasyon, nang may kaakibat na respeto sa “international humanitarian law, human rights and the rule of law.”

Para naman maisakatuparan ito ng militar, nangako si Pangulong Duterte na susuportahan niya ang modernization program ng AFP para naman mapaigting ang mga kapabilidad ng mga sundalo.

Tiniyak rin ni Duterte na pananatilihin niyang mataas ang morale ng mga sundalo sa pamamagitan ng pagbibigay ng serbisyong medikal sa kanila lalo na sa mga nasa field.

Sinabi rin ng pangulo na dapat ring ayusin ang pamamahala sa mga pasilidad ng militar sa pamamagitan ng pagbuo ng master development plan sa lahat ng mga kampo at base militar ng AFP.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.