5 pang kalsada, bubuksan ng MMDA sa mga motorista

By Kabie Aenlle December 22, 2016 - 04:23 AM

 

trafficBilang pagpapatuloy sa layunin nilang maibsan ang bigat ng daloy ng trapiko sa mga lansangan sa Metro Manila, inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magbubukas pa sila ng ilang mga kalsada upang madaanan ng mga motorista.

Ayon kay MMDA road emergency group head Manny Gonzales, magbubukas sila ng dalawang pribadong lugar at tatlong karagdagang pag-aari naman ng pamahalaan sa Makati City at sa Quezon City para mabawasan ang trapiko.

Sa ngayon aniya ay nagpapatuloy pa ang pakikipag-usap nila sa mga private entities upang mabuksan ang mas maraming kalsada na maaring daanan ng mga motorista.

Matatandaang una nang binuksan ng MMDA ang Camp Aguinaldo at Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City at Bonifacio Naval Station sa Taguig City sa mga motorista para mabawasan ang trapik.

Noong Lunes naman, binuksan na ang Jupiter street sa may Buendia sa Makati City, matapos makausap ng mga opisyal ang mga namumuno sa Barangay Bel-Air.

Maari nang makadaan ang mga motorista dito upang makaiwas sa Buendia, na lagi na lang nasasakal sa sikip ng daloy ng trapiko.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.