Russian authorities, naniniwalang hindi ‘lone wolf’ ang pumatay sa kanilang envoy sa Ankara

By Kabie Aenlle December 22, 2016 - 04:22 AM

 

AP Photo

Malaki ang duda ng pamahalaan ng Russia na mag-isang kumilos ang assassin na pumatay sa kanilang ambassador sa Turkey.

Ayon sa tagapagsalita ni Russian President Vladimir Putin na si Dmitry Peskov, hindi dapat madaliin ang paggawa ng teorya, hangga’t hindi pa tuluyang natutukoy ng mga imbestigador kung sino ang nasa likod ng pagpatay na ito.

Tumanggi naman si Peskov na magbigay ng mungkahi o hinuha sa kung sinu-sino talaga ang responsable sa naturang assassination kay Russian
Ambassador to Turkey Andrei Karlov sa isang photo exhibit noong Lunes sa Ankara.

Napatay naman ang suspek na si Mevlut Mert Altintas na kasapi ng riot police squad ng Ankara.

Wala pang inilalabas ring teorya ang Ankara, pero isang senior Turkish official na tumangging ilabas ang kaniyang pangalan, ang nagsabi na malabong mag-isang kumilos si Altintas.

Isang Turkish Foreign Ministry official naman ang nagsabi na nagkausap sina Turkish Foreign Minister Mevlut Cavusoglu at US Secretary of State John Kerry sa telepono, na nagbigay ng impormasyon tungkol sa assailant.

Ayon sa opisyal, sinabi ni Cavusoglu kay Kerry na alam pareho ng Turkey at ng Russia na ang nasa likod ng pag-atake ay isang kilusang pinamumunuan ng U.S.-based Muslim cleric na si Fehtullah Gulen.

Iginiit naman ng tagapagsalita ni Kerry na si John Kirby na walang katotohanan ang mga lumalabas na ulat mula sa Turkey na sangkot o suportado ng Amerika ang naturang pag-atake, dahil lang sa nasa U.S. si Gulen.

Hahayaan na lang aniya nila ang mga imbestigador na gawin ang kanilang mga tungkulin bago sila gumawa ng sarili nilang hinuha tungkol sa mga pangyayari.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.