Mga sugatang pulis sa enkwentro libre na Chinese General Hospital
Good news sa mga pulis na masusugatan sa actual police operations.
Ito ay dahil sa libre na sila sa pagpapa-ospital sa pribadong pagamutan na Chinese General Hospital sa lungsod ng Maynila.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nagkaroon ng memorandum of agreement ang pamunuan ng Philippine National Police at Philippine Chinese Charitable Association na siyang may-ari ng Chinese General Hospital.
Ayon kay Abella, libre ang pagpapagamot ng mga pulis na nasugatan kapag nagsasagawa ng hot pursuit operations laban sa mga kalaban ng estado.
Saklaw din aniya ng kasunduan ang mga non-uniformed personnel (NUP) ng PNP na kasama rin sa actual police operations.
Kinakailangan lamang aniya na magpakita ang mga non uniformed personnel ng mga dokumento mula sa kanilang mga superior kaugnay sa kanilang line of duty status.
Ang mga miyembro ng Manila Police District (MPD) ay matagal nang nakikinabang sa nasabing medical assistance na ipinagkakaloob ng Chinese General Hospital sa mga alagad ng batas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.