Sinampahan na ng kaso ng Department of Justice (DOJ) sa Quezon City Metropolitan Trial Court si dating Justice Secretary at ngayon ay Senator Leila De Lima.
Pirmado ni Acting Prosecutor General Jeorge Catalan ang kautusan para masampahan ng kaso si De Lima kaugnay sa paglabag sa Article 150 ng Revised Penal Code.
Ang kaso ay kaugnay sa reklamong isinampa ng House of Representative sa pamamagitan nina Speaker Pantaleon Alvarez, Majority Leader Rodolfo Fariñas at House Committee on Justice chairman and Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali dahil sa kautusan nito sa kanyang dating driver/bodyguard at lover na si Ronnie Dayan na huwag dumalo sa pagdinig ng kamara may kinalaman sa bilibid drug trade.
Kapag napatunayang guilty maaring magmulta at makulong si De Lima ng isang buwan hanggang anim na buwan base sa kautusan ng korte.
Magugunitang sinabi ni Dayan sa kongreso na hindi siya dumalo sa mga ipinatawag na pagdinig dahil sa utos ni De Lima sa pamamagitan ng kanyang anak.
Si Dayan ang sinasabing kolektor ni De Lima ng drug money sa bilibid gayundin sa drug lord na si Kerwin Espinosa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.