Bagong travel warning sa Mindanao, inilabas ng US

By Rohanisa Abbas December 21, 2016 - 11:30 AM

us depot stateNaglabas muli ng bagong travel warning sa Mindanao ang US kahapon sa lahat ng mamamayan nito.

Isinaad dito ng US State Department na dahil ito sa patuloy na banta ng terorismo, aktibidad ng mga rebeldeng grupo, at insidente ng pagdukot.

Pinaiiwas ng US ang mga mamamayan nito na magtungo sa Sulu at lubos na mag-ingat sa paglalakbay sa Mindanao.

Ipinahayag naman ng State Department na wala naman itong natanggap na ulat na nabiktimang mamamayan nito, ngunit nananatili pa ring ang mga banta sa Mindanao hindi lang sa mga Amerikano, kundi pati na rin sa iba pang dayuhan.

Kabilang sa travel warning na ito ang dulong bahagi ng timog ng Palawan, sa karagatan ng Sabah, Malaysia at Sulu, hanggang sa Zamboanga City.

Bago ito, huling naglabas ang US ng travel warning noong Abril.

TAGS: Mindanao, rebelde, travel warning, US, Mindanao, rebelde, travel warning, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.