ISIS, inako na ang Berlin truck attack; naarestong suspek, pinalaya

By Kabie Aenlle December 21, 2016 - 04:25 AM

 

FB Photo | Ariel Zurawski
FB Photo | Ariel Zurawski

Inako na ng Islamic State group ang pag-atakeng naganap sa Berlin, kung saan inararo ng malaking truck ang isang Christmas market na ikinasawi ng 12 katao.

Ipinahayag ng teroristang grupo ang pag-ako sa pag-atake sa AMAQ news agency, kung saan sila madalas naglalabas ng kanilang mga pahayag.

Ayon sa IS, isang tauhan nila sa Berlin ang nagsagawa ng naturang pag-atake bilang sagot sa mga panawagan na targetin ang mga “coalition countries.”

Samantala, pinalaya na ng mga prosecutors ang Pakistani na suspek na una nilang naaresto kaugnay ng malagim na pag-atake.

Nang arestuhin ng mga otoridad ang lalaki, may duda na silang maaring hindi ito ang suspek na nag-maneho ng malaking truck na umararo sa isang Christmas market sa Berlin na ikinasawi ng 12 katao.

Wala kasing natagpuang mantsa ng dugo sa mga damit ng naunang suspek, at wala rin itong bahid ng pulbura sa kamay mula sa pagputok ng baril.

Ito ang mga pangunahing ebidensyang inaasahang makikita ng mga pulis sa suspek dahil nadiskubre nila ang isang bangkay ng lalaki na nasa passenger’s seat ng truck na mistulang tama ng bala ang ikinasawi.

Dahil sa kakulangan ng ebidensya, pinalaya na ng mga prosecutors ang lalaki, kaya naman naniniwala silang at large pa rin hanggang ngayon ang totoong suspek sa pag-atake.

Naaresto ang 23-anyos na suspek matapos siyang habulin ng isang testigo sa Tiergarten park, ngunit posibleng hindi niya ito nasundan at maling lalaki ang kaniyang naituro sa mga otoridad.

Sa ngayon ay muling naglunsad ng manhunt operation ang mga pulis para mahanap ang tunay na suspek sa naturang pag-atake.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.