Pag-uusap nina Duterte at Sison ukol sa peace deal, naging produktibo

By Kabie Aenlle December 21, 2016 - 04:35 AM

 

joma-duterte-0510Nag-usap sa telepono sina National Democratic Front of the Philippines (NDFP) chief political consultant Jose Maria Sison, at si Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes.

Sa isang Facebook post, kinumpirma ni Sison na nakausap niya si Pangulong Duterte tungkol sa ilang mga isyu na may kinalaman sa peace negotiations.

Ayon kay Sison, nagkaroon sila ng “friendly and productive” na pag-uusap sa telepono ni Duterte tungkol sa pag-usad ng peace talks sa pagitan ng gobyerno at NDFP.

Samantala, bilang founding chair rin ng Communist Party of the Philippines (CPP) na mananatili ang pagpapairal ng unilateral ceasefire declarations ng magkabilang panig sa kasagsagan ng Pasko at Bagong Taon.

Gayunman, pinahiwatig rin ni Sison na walang bilateral ceasefire na malalagdaan ngayong taong ito, dahil pag-uusapan pa ito sa ikatlong round ng peace talks sa January.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.