EXCLUSIVE: 4 na Pinoy crew, dinukot sa karagatang sakop ng Sulu

By Erwin Aguilon December 20, 2016 - 07:14 PM

Celebes SeaDinukot ang apat na Pinoy crew ng isang fishing vessel sa karagatang sakop ng lalawigan ng Sulu.

Ayon sa inisyal na impormasyon ng Radyo Inquirer, tinangay ang mga tripulante ng FB Ramona 2 ng Ramona Fishing Corp na nakilalang sina Noel Besconde, Boat Captain; Reyjim Rocabo, Marine Diesel Mechanic; Roy Ramos, Crew at Roel Liones, crew na pawang mga residente ng Tukuran, Zamboanga del Sur.

Nabatid na nasa bahagi ng Celebes Sea sa Sulu ang mga biktima lulan ng nasabing fishing boat at nangingisda nang tangayin ng apat na lalaking armado ng matataas na kalibre ng baril.

Sinabi ng mga nakasaksi na humihingi ng pagkain at protection money ang mga kidnapper.

Huling na-contact ng sistership na FB Melissa 2 ang mga tinangay na crew dakong alas tres ng madaling araw kanina.

Pinuntahan ng mga crew ng FB Melissa 2 ang nasabing bangkang pangisda dakong alas singko ng madaling araw subalit wala na ang mga crew gayundin ang VHF radio at GPS ng bangka.

Inaalam pa ngayon ng mga awtoridad kung anong grupo ang dumukot sa mga biktima

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.