Mas mataas na tax exemption sa balikbayan boxes, mapapakinabangan na sa Pasko

By Chona Yu December 20, 2016 - 06:04 PM

balikbayanGood news sa mga Overseas Filipino Workers.

Simula sa December 25, hindi na bubuwisan ng pamahalaan ang mga balikbayan boxes na may laman na nagkakahalaga ng 150,000 piso pababa.

Ayon kay Bureau of Customs Spokesman Marine Colonel Neil Estrella, ito ay matapos maplantsa na ng BOC at Department of Finance ang implemented rules and regulation sa Customs Administrative Order 05-2016 na nagtatataas sa halaga ng balikbayan boxes.

Mula sa sampung libong piso, itinaas ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang tax exemption sa balikbayan boxes sa 150,000 pesos.

Ayon kay Estrella, hindi bubuwisan ang laman ng balikbayan boxes basta’t personal at pang household lamang ang gamit at hindi pang commercial o ibebenta.

Kasabay nito, gumawa rin ang BOC ng online OFW corner kung saan maaring magsuplong ang mga OFW kung nagkaroon ng problema ang kanilang ipinadalang balikbayan boxes.
Makikita aniya ito sa customs.gov.ph.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.