Abogado patay, matapos pagbabarilin habang dumadalo sa Simbang Gabi sa Isabela
Pinagbabaril ang isang abogado habang ito ay dumadalo ng Misa De Gallo sa loob mismo ng simbahan ng bayan ng San Pablo, Isabela kaninang madaling araw.
Sa inisyal na ulat, nakilala ang biktima na si Atty. Arlan Castañeda na residente sa nasabing bayan.
Pinagbabaril si Castañeda kaninang pasado alas 4:00 ng madaling araw habang siya ay dumadalo sa misa.
Kasama pa ni Castañeda ang kaniyang bodyguard nang maganap ang pamamaril.
Naisugod pa sa ospital ang biktima subalit hindi na ito umabot ng buhay.
Inaalam naman ng mga otoridad sa Isabela kung ano ang motibo sa pamamaril kay Castañeda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.