Posibleng maging maulan sa Pasko, dahil sa papasok na LPA ayon sa PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo December 20, 2016 - 08:07 AM

Maaring maging maaulan ang mismong araw ng Pasko dahil sa isang Low Pressure Area na nakatakdang pumasok sa bansa.

Ayon kay PAGASA forecaster Aldzcar Aurello, malayo-layo pa sa ngayon ang lokasyon ng LPA pero sa araw ng Biyernes, December 23 ay inaasahang papasok na ito ng bansa.

Maaring makapagpaulan ito sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao.

May posibilidad din ayon kay Aurello na maging isang ganap na bagyo ang nasabing LPA, at kapag naging bagyo habang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ay papangalanan itong “Nina”.

Ngayong araw na ito, Northeast Monsoon pa rin ang naka-aapekto sa Northern at Central Luzon, habang may tail end ng cold front sa Eastern section ng Southern Luzon.

Ayon sa PAGASA, magiging maulap ang papawirin na mayroong light hanggang moderate nap ag-ulan sa mga rehiyon ng Bicol, Eastern at Central Visayas, Caraga, at sa lalawigan ngQuezon.

May isolated na pag-ulan naman na mararanasan sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera, Cagayan Valley at Central Luzon.

 

TAGS: Pagasa, Weather in Philippines, weather update, Pagasa, Weather in Philippines, weather update

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.