Hinihinalang pusher, sugatan sa pakikipagbariilan umano sa mga pulis

By Jong Manlapaz December 20, 2016 - 01:43 AM

 

Malubhang nasugatan ang isang hinihinalang tulak ng bawal na gamot, matapos na makipagbarilan sa mga pulis na nagkasa ng buy bust operation laban sa magkapatid sa Sitio Cabuyao, Sunod Baga, Brgy. Sauyo, Q.C..

Ayon kay Sr Insp. Dennis Francisco ng QCPD Station 4, target ng kanilang operasyon ang magkapatid na Alyas Tikboy at Lito Baduya na nagbebenta umano ng bawal na gamot sa lugar.

Naging positibo naman ang operasyon ng pulis matapos na magbenta sa poseur buyer ng shabu si Tikboy na nagkakahalaga ng P500 pesos.

Gayunman, nang akmang aarestuhin na sana ng mga pulis ang suspek binunot nito ang kanyang baril at pinaputukan ang mga operatiba.

Dito na napilitang gumanti ng putok ng baril ang mga pulis at sa paghupa ng barilan sugatang bumulagta ang suspek na si Tikboy na agad dinala sa pinakamalapit na ospital.
Hindi naman naabutan ng mga pulis ang kapatid nito na target din ng operation na si Lito, pero isang police operation na ang kinasa ng mga pulis laban sa suspek.

Sa crime scene, nakakumpiska ang mga SOCO ng 8 pcs ng transparent sachet na hinihinalang naglalaman ng shabu, cal. 38, Php 500 na buy bust money at ilang drug paraphernalia.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.