Russian ambassador to Turkey, patay sa kamay ng gunman

By Jay Dones December 20, 2016 - 04:20 AM

 

russian andrey-karlov-shootingPatay ang Ambassador ng Russia sa Turkey matapos itong paputukan ng nagsosolong gunman sa loob ng isang art exhibit sa Ankara, Turkey.

Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Ambassador Andrey Karlov matapos itong paulanan ng bala ng naturang suspek.

Kasalukuyang nagbibigay ng kanyang opening speech si Ambassador Karlov nang paputukan ito ng nagsosolong salarin.

Matapos ang pamamril, nagsisigaw pa ang gunman ng ng ‘Allahu akbar ‘ (God is Great) at “Do not forget Aleppo! Do not forget Syria!”

Habang sumusugod sa lugar na pamamaril ang mga otoridad, kita sa mga kumakalat na video clips ang paglalakad at pagsisigaw ng salarin na isa umanong miyembro ng special forces batay sa inisyal na report.

Nang dumating ang mga otoridad agad nilang na-neutralize ang hindi pa nakilalang salarin.

Ayon sa foreign ministry ng Turkey, kanilang ikinukunsidera bilang isa ‘terror attack’ ang pangyayari.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.