Pulis na namaril sa isang bangko sa Laguna kinasuhan na

By Rohanisa Abbas December 19, 2016 - 04:39 PM

crime-scene-620x413Kinasuhan na ng murder ang pulis na nakuhanan sa isang video na binaril ang isang lalaki sa harap ng bangko sa San Pedro City, Laguna noong nakaraang linggo.

Ayon kay Supt. Harold Depositar, hepe ng pulisya ng San Pedro City, nakita sa imbestigasyon na hindi kinailangan ni Police Officer 3 Reynaldo Dizon ng “excessive and unnecessary force” nang barilin at patayin niya si Sharief Amatonding na nag-amok sa bangko noong Biyernes.

Ipinahayag ni Depositar na hindi napigilan ng mga gwardya ng bangko si Amatonding nang kunin nito ang kanilang mga armas.

Nagkataon namang napadaan ang grupo ni Dizon sa lugar nang papunta sa isang operasyon kasama ang ilang pulis mula sa Biñang, Laguna.

Ini-upload sa Facebook ang video na nakuhanang binaril ni Dizon si Amatonding na kaagad na namatay makaraan ang pamamaril.

TAGS: PNP, RCBC, san pedro laguna, shooting, PNP, RCBC, san pedro laguna, shooting

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.