Duterte, hinimok na sumailalim sa medical examination

By Kabie Aenlle December 19, 2016 - 04:33 AM

 

Inquirer file photo

Nabahala ang ilang mga mambabatas nang umamin si Pangulong Rodrigo Duterte ng paggamit niya ng matinding uri ng painkiller para sa pananakit na nararamdaman.

Dahil dito, hinimok ng mga mambabatas si Duterte na sumailalim siya sa medical examination at isapubliko ang kung anumang magiging resulta nito.

Inamin kasi kamakailan ng pangulo na gumagamit siya noon ng fentanyl, na isang gamot na kadalasang nirereseta sa mga may sakit na cancer at iba pang chronic ailments, dahil umano sa spinal injury na natamo niya sa mga aksidente sa motorsiklo.

Gayunman, nilinaw ni Duterte na pinatigil na siya ng kaniyang doktor sa paggamit nito dahil sa pang-aabuso niya dito sa pamamagitan ng pag-gamit ng higit sa inireseta lang sa kaniya na patches.

Ang fentanyl na isang synthetic opioid ay 50 beses na mas matapang kung ikukumpara sa heroin, at 100 beses na mas matapang kumpara naman sa morphine.

Ayon kay Rep. Carlos Zarate, dapat nang sumailalim sa medical examination ni Duterte upang matigil na ang mga ispekulasyon, at makabubuti rin kung ang kaniyang doktor ang magpapaliwanag ng nararamdaman nitong sakit.

Dagdag pa ni Zarate, mabibigyang linaw ng medical bulletin ang lagay ng kalusugan ni Duterte.

Samantala, suportado rin ni Sen. Leila de Lima ang pagpapatingin sa doktor ni Duterte, at iginiit na nasa batas na dapat alam ng publiko ang lagay ng kalusugan ng pangulo ng bansa.

Hindi lang din aniya ang mismong sakit ang dapat ipag-alala dito, kundi ang side effects nito kay Duterte, kabilang na ang kalinawan ng kaniyang isip at kakayanan na magbigay ng malinaw na desisyon.

Una nang sinabi ng pangulo na araw-araw siyang nakakaranas ng migraine, at isa sa kaniyang mga sakit ay ang Buerger’s disease na isang cardiovascular disease dulot ng pamamaga ng ugat dahil sa paninigarilyo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.