U.S., tiniyak na makikipagtulungan pa rin kay Duterte kahit sinabi nitong “Bye-bye Amerika”

By Isa Avendaño-Umali December 18, 2016 - 11:41 AM

 

US embassyTiniyak ng Estados Unidos na makikipagtulungan pa rin sila kay Pangulong Rodrigo Duterte, kasunod ng deklarasyon nito na ibabasura na ang Visiting Forces Agreement o VFA, sabay sabing ‘Bye-bye Amerika.”

Nag-ugat ang pahayag ng Presidente sa pag-defer sa botohan ng isang U.S. government aid agency hinggil sa renewal ng major development assistance package para sa Pilipinas dahil umano sa extra judicial killings sa kasasagan ng war on drugs ng Duterte administration.

Sa isang statement ng U.S. Embassy in Manila, sinabi nito na ang Washington ay makikipag-trabaho pa rin sa Duterte administration upag matugunan ang anumang concern.

Pero, wala nang iba pang detalye na inisyu ang embahada.

Nauna nang sinabi ni White House spokesman Josh Earnest na ang White House ay hindi maglalabas ng reaksyon sa bawat tirada o banat ni Duterte sa Amerika.

Sa ilalim ng VFA, ang mga tropang sundalong Amerikano ay pinapayagang bumisita sa PIlipinas at magsagawa ng joint combat exercises.

Subalit sa sinabi ni Pangulong Duterte, maghanda na raw ang mga U.S. soldiers na umalis ng Pilipinas, at maghanda na rin daw sa repeal o tuluyang pagbasura sa VFA.

TAGS: Rodrigo Duterte, U.S Embassy in Manila, Rodrigo Duterte, U.S Embassy in Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.