Papua New Guinea niyanig ng magnitude 8 na lindol, tsunami warning itinaas
(Breaking News): Iniulat ng U.S Geologocal Survey na umabot sa magnitude 8.0 ang lindol na tumama sa Papua News Guinea.
Ang epicenter ng lindol ay naramdaman sa 157 kilometers Silangan ng Rabaul na malapit sa boundary ng Papua New Guinea at New Ireland.
Naglabas ng advisory ang Pacific Tsunami Warning Center kaugnay sa posibilidad ng pagtaas ng alon ng karagatan sa paligid ng Rabaul, Taron at mga kalapit na lugar.
Ang Papua New Guinea ay nasa ibabaw ng “Ring of Fire” at mga aktibong seismic faults kaya madalas na maramdaman ang mga pagyanig sa naturang lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.