Rolito Go sa mga motorista: Cool lang kayo

By Chona Yu, Kabie Aenlle December 17, 2016 - 05:23 AM

ROlito GoMaging cool lang.

Ito ang isa sa mga payo ng napalayang preso na si Rolito Go sa mga motoristang madalas ang pagiging mainitin ang ulo lalo na sa mga away trapiko.

Sa ekslusibong panayam ng Radyo Inquirer kay Go, sinabi ni Go na lagi niyang payo sa mga tao na maging “cool” lang.

Ani Go, hindi na baleng ma-agrabyado ng kaunti, hayaan lang dahil “past” na ito at makakalimutan rin kinabukasan.

Sa kaniya kasing karanasan aniya noon, hindi niya matanggap na na-agrabyado siya at na-‘high blood’ agad siya.

Partikular na ipinaabot ni Go ang payo niyang ito sa mga nagdadala ng baril o armas habang sila ay bumibiyahe.

Matatandaang nakulong si Go noong 1993 matapos makapatay ng isang engineering student dahil sa away trapiko, dahilan para patawan siya ng reclusion perpetua.

Gayunman, ipinagutos ng Korte Suprema ang pagpapalaya na sa kaniya kahapon.

Kaya naman payo pa ni Go sa mga motorista, na habaan ang kanilang mga pasensya, habang ang payo naman niya sa mga barumbado at arogante talagang drivers, huwag na nilang gawin ang kanilang mga balak gawin.

Para aniya sa mga agrabyado, habaan dapat ang kanilang pasensya at umaasa naman siya na sana ay magbago naman ang mga arogante sa kalsada.

Samantala, ang hiling naman ni Go sa Pasko ay na sana ay humaba pa ang kaniyang panahon upang makasama pa ang kaniyang pamilya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.