EXCLUSIVE: Rolito Go, may pamasko sa dalawang apo

By Chona Yu December 16, 2016 - 07:13 PM

ROlito GoHindi pa alam ng dalawang apo ni murder convict Rolito Go na tuluyan na siyang makalalaya mula sa kulungan.

Sa ekslusibong panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Go na ang kanyang paglaya ngayon ang bukod tanging regalong maihahandog sa dalawang apo.

Balak ni Go na magkaroon ng kaunting salo-salo kasama ang kanyang pamilya ngayong Pasko.

Sa ngayon, hinihintay na lamang ni Go ang release order para tuluyan nang makalaya.

“Sana itong kaunting panahon ko makasama ko ang pamilya ko, ma-spend ko ang time ko sa pamilya ko” pahayag ni Go.

Ayon kay Bureau of Corrections Deputy Director for Operations Rolando Asuncion, maaring dalhin na lamang ang release order ni Go sa Metropolitan Hospital sa Maynila kung saan siya naka-confine ngayon para i-proseso ang release order.

Malaki ang pasasalamat ni Go sa panginoon dahil sa wakas, narinig na rin ang kanyang matagal na panalangin na makalaya na.

Pabiro pang sinabi ni Go na ang kanyang pagpapahaba ng buhok ay regalo niya kay Senador Leila de Lima.

Nabatid na noong 2013 pa sana lalaya si Go subalit nagkaroon ng problema sa Department of Justice noong si de Lima pa ang kalihim.

Kasabay nito, humingi rin ng paumanhin si Go sa pamilya ni Engineering student Eldon Maguan na kanyang napatay noong 1996 dahil sa away trapiko.

“Sana maunawaan nila yung nangyari sa akin, yung sitwasyon na nangyari sa anak niya hindi intensyon na mangyari, actually aksidente yan, alam ng tao at yung ebidensy, sana matanggap nila, disgrasya lang ito aksidente, sana matanggap nila sa magulang ni Maguan, sorry, hindi intensyon yun, aksidente yun talaga, yun sa mga hindi nakakaunawa, sana maunawaan nila sa mahabang panahon na pagdudusa, sana supesiyente na yun, sa mga anak ko hindi ko nakasama ng maayos,” dagdag ni Go.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.