Dating Sen. Bong Revilla nakiusap sa Sandiganbayan para dalawin ang amang may sakit

By Den Macaranas December 15, 2016 - 04:26 PM

Bong-Revilla-21
Inquirer file photo

Nag-file ng urgent motion sa Sandiganbayan si dating Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. para mabisita sa pagamutan ang kanyang ama.

Sa kanyang inihaing mosyon, sinabi ni Revilla na binabawi na niya ang unang kahilingan sa anti-graft court na payagan siyang makauwi sa kanilang bahay sa Bacoor, Cavite sa December 24 hanggang 25 para doon salubungin ang Pasko.

Si dating Sen. Ramon Revilla Sr. ay isinugod kamakailan sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City dahil sa severe sepsis at pneumonia.

Sinabi ng nakababatang Revilla sa kanyang sulat sa hukuman na labis siyang nababahala sa sitwasyon ng kanyang 89-anyos na ama na makailang beses na ring sumailalim sa mga operasyon.

Samantala, sa January 12, 2017 ay sisimulan na ng Sandiganbayan ang pormal na pagdinig sa kasong plunder ni Revilla.

May kaugnayan ito sa P224 Million plunder charge na kanyang kinakaharap kaugnay sa umano’y nadivert na pondo ng kanyang Priority Development Assistant Funds (PDAF) noong siya ay isa pang mambabatas.

TAGS: PDAF, plunder, ramon revilla, sandiganbayan, PDAF, plunder, ramon revilla, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.