Mga kongresista hati ang bilang sa pagbuhay ng death penalty

By Isa Avendaño-Umali December 14, 2016 - 03:43 PM

Alvarez1
Photo: Isa Umali

Kumpiyansa si House Speaker Pantaleon Alvarez sa bilang ng mga kongresista na bobotong pabor sa panukalang pagbuhay sa parusang kamatayan.

Deklarasyon ni Alvarez, siya na ang bahala sa numero at bibilangin na lamang ito sa mismong panahon ng botohan.

Inamin ng lider ng Kamara na sa kasalukuyan ay dikit ang bilang ng mga pro at anti-death penalty congressmen sa loob ng supermajority.

Kahit ang oposisyon ay nagsiwalat na maraming closet anti-death penalty sa supermajority na ayaw pang lumantad.

Pero napapanahon na aniya na maibalik ang parusang bitay lalo na sa mga kasong may kinalaman sa ilegal na droga.

Kaugnay nito, binara ni Alvarez ang panawagang idaan sa conscience vote ang death penalty bill.

Ipinaliwanag ng House Speaker na may mainam kung party vote ang paiiralin.

Kahapon, hindi natuloy ang sponsorship ng House Justice panel sa panukala dahil hindi pa ito natatalakay sa Rules Committee.

Malamang na January, 2017 na mai-sponsor ang death penalty bill at masimulan ang debate ayon pa sa opisyal.

TAGS: Alvarez, Congress, Death Penalty, Alvarez, Congress, Death Penalty

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.