Pagpapasabog sa cathedral sa Cairo na ikinasawi ng 25 katao, inako ng ISIS
Inako ng grupong Islamic State ang responsibilidad sa pagpapasabog sa Captic Cathedral sa Cairo, Egypt.
Kasabay ng pagsasabing sila ang nasa likod ng suicide bombing na ikinasawi ng 25 katao at ikinasugat ng 49 na iba pa ay nagbanta din ang ISIS ng mas marami pang pag-atake laban sa mga Kristiyano.
Tinukoy ng grupo ang kanilang suicide bomber na si Abu Abdallah al-Masri na siyang nag-detonate ng explosive belt sa loob ng Saint Peter at Saint Paul Church.
Ang pangalan ng bomber na inilabas ng ISIS, ay iba sa naunang pangalan ng suspek na tinukoy ng pamahalaan ng Egypt.
Ayon kay President Abdel Fattah al-Sisi, ang bomber ay nakilalang si Mahmoud Shafik Mohamed Mostafa, 22 anyos batay sa isinagawang DNA tests sa katawan nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.