Buhay-estudyante ni Pangulong Duterte, patok sa mga Pinoy sa Cambodia
Umani ng palakpakan at hiyawan mula sa Filipino community sa Cambodia ang mga kwento ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa kanyang grado noong siya ay nag-aaral pa sa high school at kolehiyo at ang katotohanang sa kabila ng kanyang pasang-awang marka, ay naging presidente siya ng bansa.
Sa kanyang pagharap sa mahigit isanlibong mga Pinoy sa Cambodia sa kanyang dalawang araw na state visit, ikinwento ng pangulo ang kanyang mga karanasan noong siya ay nag-aaral pa.
Kwento ng pangulo, karamihan sa mga miyembro ng Gabinete ay kanyang kaklase noon sa Mindanao.
Marami aniya sa mga ito ay pawang mga matatalino sa klase at mga ‘bright students’ at matataas ang mga grado noong mga mag-aaral pa.
Gayunman, binanggit ni Duterte na siya ay pasang-awa lagi ang grado at umabot pa sa pitong taon bago siya nakapagtapos ng highschool.
Pero sa kabila nito, ipinagmalaki ng Pangulo, na sa kabila ng katotohanang hindi siya naging masyadong mahusay sa klase, siya ang presidente ngayon ng Pilipinas at ang kanyang mga ‘bright’ na kaklase ay kanyang mga tauhan.
Kaya, payo ng pangulo sa mga Pinoy na mabababa ang grado-“Tiis-tiis lang dahil may pag-asa pa kayo.”
“Si Bong bright sa math…si Ernie Abella you should hear him talk, wala ako sa kilingking niya…Bato PMAer yan, above average, lalo na Cayetano, Andanar, Ramon Lopez, recognized talaga sa field niya, Bebot Bello kaharap ko sa dormitoryo silang dalawa ni Dulay ng BIR, Medialdea, si Yasay ang ka-roommate ko…Kayong mga taga-Davao, killala naman ninyo ako, ano pinakamataas ko na grado, hindi ako nakatikim ng 8 sa buhay ko, puro 75-78 lang. Si Tugade, valedictorian namin yan sa law, San Beda, puro mga bright yan, tingan ninyong mabuti, puro 90-90 yan, tingan ninyo itong 75 dito?” pahayag ng pangulo.
“Sino sa inyo ang valedictorian, summa cum laude?…lahat yan sila, ngayong tanungin ko kayo, ngayon sino ang 78-75 lang dito? what is my advise to you? Ok lang magtiis ka kasi balang araw, ikaw ang amo nitong mga ito…tanungin mo kung sino ang amo nila? Ilang year ako sa high school? Sa awa ng Diyos, seven years,” masayang kwento pa ni Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.