2 hinihinalang holdaper patay sa QC

By Jong Manlapaz December 14, 2016 - 04:29 AM

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Napatay ng mga otoridad ang dalawang hinihinalang holdaper sa Congressional Ave., Edsa sa QC, sa ginawang follow-up operation ng QCPD station 2 dakong alas 8:00, Martes ng gabi.

Ayon kay QCPD Station 2 Commander Supt. Igmedio Bernaldez, isang sumbong ang kanilang inaksyunan mula sa isang nagngangalang Claudine Andrales , 22 y/o, ng Lagoon St, Brgy. Ramon Magsaysay, QC na umano’y hinoldap sa bahagi ng Congressional Ave, EDSA dakong alas-5:30 ng hapon.

Positibo naman kinilala ng biktima ang isa sa holdaper base sa ‘rogue gallery’ ng Masambong Police.

Sa Congressional Ave at Cagayan, Brgy. Ramon Magsaysay QC, malapit sa pinangyarihan ng hold-up natunton ng mga pulis ang dalawang suspek.

Kinilala ang dalawa na sina Jayson Alquilos, 20y/o at Joseph Lucas.

Pagdating ng mga pulis sa bahay ng mga suspek para arestuhin, pinaputukan umano sila ng mga suspek.
Dito na nakipagbarilan ang mga pulis na agad kinasawi ni Alquilos, habang nadala pa sa ospital si Lucas pero dineklarang dead on arrival.

Sa crime scene na kakuha ang SOCO ng isang caliber .38 at improvised handgun.

Nakakuha din ang nga pulis ng isang plastic sachet na hinihinalang naglalaman ng shabu sa lugar.

Ang dalawang napatay na suspek ay kabilang sa ‘target personalities’ ng station 2 ng QCPD.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.