Tugade at Villar lusot na sa Commission on Appointments
Magkasunod na pinagtibay sa makapangyarihang Commission on Appointments ang nominasyon nina Transportation Sec. Arthur Tugade at Public Works Sec. Mark Villar.
Sa pagsalang ni Tugade ay may humarap sa komisyon na dalawang transport advocates at kapwa kinuwestiyon ang appointment ng kalihim.
Ngunit matapos ihayag ang kanilang posisyon ay pinagsabihan ang dalawa na maging obsever na lang dahil napakinggan na ang kanilang mga hinaing ukol sa krisis sa trapiko.
Kasunod nito ay tinanong si Tugade ng mga miyemebro ng C.A ukol sa kanyang mga plano ukol sa pagsasaayos ng railway transport system sa bansa gayundin ang kanilang gagawin sa hinihinging emergency powers para solusyonan ang krisis sa transportasyon at trapiko.
Inamin ni Tugade na hindi magiging madali ang kanilang trabaho ngunit sa mensahe niya sa komisyon ay pagkatiwalaan lang siya at hindi niya bibiguin ang mga ito.
Samantala wala naman kahirap hirap ang pagkumpirma kay Villar.
Sinabi ni Senate Majority Leader Tito Sotto na tradisyon na agad nakakalusot ang mga dating mambabatas na humaharap sa C.A. Nasa likod lang ni Sec. Villar ang kanyang ina na si Sen. Cynthia Villar nang siya ay palusutin ng komisyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.