Japan tutulong sa kampanya ng pamahalaan kontra droga

By Chona Yu December 13, 2016 - 04:19 PM

Abe Duterte
Inquirer file photo

Bukod sa China, nag-alok na rin ng tulong ang bansang Japan para lalo pang mapaigting ang anti-illegal drug campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa courtesy call kagabi ni Katsuyuki Kawai, special assistant to Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa Malacañang ay sinabi nito na natalakay nila ng pangulo ang mga posibilidad kung anong tulong ang maibibigay ng kanilang bansa sa Pilipinas.

Tiwala si Kawai na kaya ng Japan na magbigay ng highest skill assistance sa Pilipinas lalo’t nakakuha na sila ng world highest success rate sa drug abuse prevention at education.

Dagdag ni Kawai, nagpadala na ang Japan ng research group para pag-aralan ang drug rehabilitation program sa Pilipinas.

Sinabi pa ng naasabing Japanese official na ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagpadala ang Japan ng research group sa labas ng kanilang bansa.

Bago ang courtesy call kagabi ni Kawai sa pangulo ay binisita na nito ang Department of Health treatment and rehabilitation center sa Bicutan, Taguig City.

Ayon kay Kawai, magtutungo rin sila sa Davao City sa loob ng linggong ito para magsagawa ng pag-aaral sa drug rehab program ng bansa.

TAGS: drugs, duterte, Japan, kawai, drugs, duterte, Japan, kawai

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.