Ilang bahagi ng Iloilo at Antique, nawalan ng kuryente

August 08, 2015 - 08:28 PM

brownoutNag-brownout sa ilang mga bahagi ng Iloilo at Antique matapos mapabagsak ng malakas na hangin ang poste ng transmission line ng National Grid Corporation of the Philippines.

Apektado ng kawalan ng kuryente ang mga bayan ng Leon, Oton, Tigbauan, Guimbal, Igbaras, Tubungan, Miag-ao at San Joaquin sa Iloilo na sinusuplayan ng Iloilo Electric Cooperative 1 (Ileco 1), at ilang mga bayan sa Antique na sakop naman ng Antique Electric Cooperative (Anteco).

Ayon sa NGCP, nahirapan silang solusyunan ito dahil may problema anila sila sa may-ari ng lote na pinagtatayuan ng mga poste na ayaw papasukin ang mga linemen ng NGCP.

Nangako naman ang NGCP na aayusin nila at maibabalik na ang kuryente sa mga apektadong lugar sa lalong madaling panahon./Kathleen Betina Aenlle

TAGS: antique, brownout, Iloilo, antique, brownout, Iloilo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.