Pangulong Duterte, itinangging tumatanggap ng drug money

By Mariel Cruz December 12, 2016 - 06:56 PM

duterte san bedaMariing pinabulaanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumatanggap siya ng drug-money o narco-money.

Ito ay sa kabila ng akusasyon laban sa kanya na pinoprotektahan ang mga drug lords matapos iutos kay PNP chief Dir. Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa ang reinstatement ni Supt. Marvin Marcos bilang hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Eastern Visayas.

Sa kanyang talumpati sa awarding ceremonies para sa Outstanding Young Men and Women of 2016 sa Malacañang, sinabi ni Duterte na mayroon siyang inaalam kung kaya’t inutusan niya si Dela Rosa na i-reinstate ni Marcos.

Giit ni Duterte, walang mali sa kanyang ginawa.

Mayroon lamang aniya siyang pinag-aaralan kung kaya niya ibinalik sa puwesto si Marcos. Sinabi pa ng pangulo na hindi dapat matakot ang sambayanan dahil hindi siya tumatanggap ng drug money.

Nagbiro pa si Duterte na kung galing sa kanyang mga kasintahan ang pera, ay tatanggapin niya ito.

Kasabay nito, nagbanta pa ang pangulo na kung may mag-aabot sa kanya ng drug money ay babarilin niya mismo ito sa kanyang harapan.

Bago pa aminin na siya ang nag-utos kay Dela Rosa, sinabi ni Pangulong Duterte na ayaw niyang matanggal si Marcos dahil biniberipika pa niya ang koneksyon ng opisyal sa iligal na droga.

Una nang inakusahan ni Sen. Leila De Lima si Pangulong Duterte na isang top drug lord sa bansa dahil sa pag-utos ng reinstatement ni Marcos.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.