Peace talks, kailangan nang maisulong para sa laban kontra terorismo

By Kabie Aenlle December 12, 2016 - 05:28 AM

duterte evascoUpang mas maituon ng Armed Forces of the Philippines ang kanilang atensyon sa isang laban sa terorismo, kailangang mabawasan na ang mga nakakaharap nitong grupo.

Ito ang dahilan kung bakit ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, dapat nang maresolbahan ang hindi pagkakasunduan sa pagitan ng pamahalaan at ng mga komunistang rebelde at Moro separatists.

Ayon sa pangulo, nauunawaan niyang may ibang nagagalit at nasasaktan sa muling panunumbalik ng usaping pangkapayapaan sa gobyerno.

Pero giit ng pangulo, kailangan nang itigil ang digmaan na 45 taon nang nagpapatuloy.

Aniya, sa ayaw man o sa gusto, darating sa bansa ang terorismo kaya mas makabubuting makapag-concentrate ang mga pwersa sa bantang ito.

Nabanggit ng pangulo ang mga patuloy na operasyon para patalsikin ang ISIS paalis mula sa kanilang mga sinakop na teritoryo sa Middle East, at na posibleng sunod nilang puntahan ang Southeast Asia kabilang na ang Pilipinas.

Ani pa Duterte, hindi naman lahat ng tao sa Mindanao ay kasundo ng pamahalaan, kaya posible pang mahikayat ang mga ito na sumali sa mga terorista.

Hindi naman makapagbigay ang pangulo ng timetable para sa pagkamit ng kapayapaan sa Mindanao kung saan kinakalaban ng mga sundalo ang mga extremists.

Gayunman, matatandaang tuluyan nang isinantabi ni Pangulong Duterte ang pag-payag na palayain ang 130 political prisoners ng National Democratic Front dahil aniya ito ay masyadong marami.

Ito kasi ang inaasahan ng NDF na kapalit ng pagpirma nila sa bilateral ceasefire agreement sa gobyerno.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.