3 sundalo, patay sa pakikipag-bakbakan sa ASG sa Sulu
Tatlong sundalo ang nasawi habang 17 iba pa ang nasugatan sa halos dalawang oras na pakikipag-bakbakan sa tinatayang nasa 150 na bandidong Abu Sayyaf sa Brgy. Kabuntakas sa bayan ng Patikul, Sulu.
Pawang mga miyembro ng 35th Infantry Battalion ang mga nasawing sundalo.
Ayon kay Western Mindanao Command spokesperson Maj. Filemon Tan Jr., naka-bakbakan nila ang grupo ni Abu Sayyaf leader Radulan Sahiron.
Aniya, sumuko naman ang mga bandidong Abu Sayyaf pagkatapos ng matinding engkwentro na naganap noong Sabado sa kabundukan ng Patikul, at pinaghahanap na rin ng mga sundalo ang mga ito.
Hindi naman matukoy ang dami ng mga bandidong nasugatan o napatay sa pinakahuling bakbakan laban sa Abu Sayyaf.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.