Manila North Cemetery, nangako sa DENR na aayusin ang operasyon ng crematorium

By Kabie Aenlle December 12, 2016 - 05:24 AM

manila north crematoriumKumbinsido naman ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa naging paliwanag at pangako sa kanila ng Manila North Cemetery crematorium.

Matatandaang nadiskubre ng EcoWaste Coalition na nagpapatuloy ang operasyon ng naturang crematorium kahit mahigit dalawang taon nang expired ang kanilang permit to operate, mula pa noong May 13, 2014.

Bukod dito nakitaan rin ng grupo ng kapabayaan ang Manila North Cemetery dahil sa paglabag nito sa mga panuntunan sa ilalim ng 1999 Clean Air Act.

Naniniwala rin ang EcoWaste na tutuparin ng Manila City health department ang pangako nilang pag-sunod sa mga environmental control measures para muli nang mapayagan ang pagbubukas ng crematorium.

Tiniyak naman ni acting Manila health officer Benjamin Yson sa DENR na babayaran nila ang mga dapat bayaran, ngunit umapela sila kung maaring babaan ang halaga dahil libre lang ang cremation na iniaalok nila sa mahihirap na pamilya.

Ipinangako rin niya na ipapa-rehistro nila ang pasilidad bilang “hazardous waste generator” at na maglalagay na sila ng pollution control devices para mabawasan ang kanilang emission.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.