Pulis, militar, walang kinalaman sa EJKs – Duterte

By Kabie Aenlle December 12, 2016 - 04:32 AM

Duterte-China1Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang kinalaman ang mga pulis at sundalo sa extrajudicial killings sa libu-libong mga mamamayan.

Ayon sa pangulo, hindi nakakadagdag ng pagka-lalaki ang pagkakasangkot sa extrajudicial killings, at na hindi niya rin ito papayagan dahil isa itong maruming gawain.

Mababatid na mula nang umpisahan ng pamahalaan ang mas pinaigting na giyera laban sa iligal na droga, maraming mga hinihinalang drug suspects ang bigla na lang natatagpuang nakabulagta at patay na habang may nakabalot na tape o plastic sa mukha, na minsan ay may kasama pang karatula.

Gayunman, inamin naman ni Pangulong Duterte na totoo ang mga ibinabatong batikos sa kaniya kaugnay sa pagpatay sa mga nanlalaban na mga suspek.

Ayon sa pangulo, iniutos niya sa mga pulis at sundalo na hanapn ang mga drug suspects at arestuhin, pero kung papalag ang mga ito ay unahan na nila dahil nalalagay sa peligro ang buhay ng mga otoridad.

Ani pa Duterte, simple lang naman ang solusyon sa mga insidenteng ito: ang huminto na sa paggamit ng iligal na droga ang mga tao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.