Pagpasok ng mga foreign jihadist sa Mindanao, bineberipika pa ayon kay Esperon

By Rod Lagusad December 11, 2016 - 05:59 AM

EsperonPatuloy na bineperipika ng iba’t ibang concerned government agencies ang mga ulat na may mga foreign Jihadists sa Mindanao partilkular sa Lanao at mga kalapit na probinsya ayon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.

Ang naturang pahayag ni Esperon ay tugon sa serye ng mga intelligence information na nagsasabing may Indonesian at Malaysian jihadists at iba pang galing sa Middle East ang nasa Mindanao na.

Ilan sa mga ulat ay nagsasabing ang mga foreign jihadists na kaalyado ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ay napaulat na umuukupa sa dating lugar kung saan nakabase dati ang Jemaah Islamiyah sa Mt. Cararao in Butig, Lanao Del Sur.

May mga ulat namang nagsasabi na ang naturang mga jihadists ay kasama ng Maute terror group na siyang nasa mahigit dalawang linggo ng target ng opensiba ng militar.

Sa isang panayam sinabi ni Esperon na ang mga napaulat na pagdating ng mga jihadists sa Mindanao ay nanatiling “subject for verification” bago ito dumalo sa isang closed-door command conference sa Armed Forces of the Philippines (AFP) headquarters sa Camp Aguinaldo.

TAGS: armed forces of the philippines, Camp Aguinaldo, Indonesian, Islamic State of Iraq and Syria, Jemaah Islamiyah, jihadists, Malaysian, Maute Terror Group, National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., armed forces of the philippines, Camp Aguinaldo, Indonesian, Islamic State of Iraq and Syria, Jemaah Islamiyah, jihadists, Malaysian, Maute Terror Group, National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.