Blacklisted na sa pamahalaan ang casino tycoon na si Jack Lam dahil sa hinihinalang pagkakasangkot niya sa iligal na operasyon ng online casion sa Clark Field, Pampanga.
Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre II, sa kasalukuyan ay blacklisted na siya sa, na nangangahulugan na hindi siya papayagang makabalik sa Pilipinas.
Aniya, ang Fontana Casino ni Lam ay walang permit mula sa Cagayan Economic Zone Authority (CEZA), taliwas sa sinabi ng abogado niyang si Raymond Fortun.
Dagdag pa ni Aguirre, aarestuhin siya agad oras na bumalik siya sa bansa alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Matatandaang may lookout bulletin nang inilabas sa Department of Justice (DOJ) laban kay Lam, at kinansela na rin ang kaniyang investors’ visa.
Nilisan ni Lam ang bansa patungong Hong Kong noong November 29, ilang araw bago iutos ni Pangulong Duterte ang warrantless arrest laban sa kaniya dahil sa mga krimen na economic sabotage at harboring of illegal aliens.
Ibinunyag pa ni Aguirre ang pagtatangka umano ni Lam na suhulan siya at si Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) chair Andrea Domingo.
Pero ayon naman sa kalihim, may paraan pa para makalusot si Lam: ito ay sa pamamagitan ng pagbabayad niya ng tax at itaas ito sa 10 percent sa halip na one percent lang.
Kailangan din aniya na mag-apply si Lam ng bagong lisensya sa PAGCOR.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.