10 katutubo, nasawi dahil sa diarrhea outbreak sa Davao Norte

December 10, 2016 - 05:11 AM

diarrhea1Hindi bababa sa 10 miyembro ng tribong Talaingod-Manobo, kabilang isang pinuno, ang nasawi dahil sa umano’y nakamamatay na kaso ng diarrhea.

Ayon sa non-government organization na SAGIPP Network, simula pa noong nakaraang buwan ay naaapektuhan na ang mga lumad communities sa Davao del Norte ng nasabing diarrhea.

Ayon pa sa nasabing organisasyon na nagbibigay ng educational at healt assistance sa mga lumad communities, nasa 20 sub-villages na sa bayan ng Talaingod ang naapektuhan ng diarrhea outbreak.

Base sa mga inisyal na ulat, nasa 3,100 na katao na ang nagkasakit nito, pati na ng pneumonia at ibang viral infections.

Karamihan anila sa mga residenteng naapektuhan ay pawang mga nakatatanda at mga bata.

Kabilang sa mga nasawi ay si Datu Gumbil Mansimuy-at na may mahalagang gampanin sa konseho ng mga tribal leaders sa kabundukan ng Pantaron.

Pumanaw si Gumbil noong Huwebes, habang ang tatlong taong gulang naman niyang anak ay nasawi rin sa sumunod na araw.

Sa ngayon ay nakikipagtulungan na ang SAGIPP Network sa Department of Social Welfare and Development Region 11 para sa pagsasagawa ng medical evaluation and response sa lugar.

Malaking hamon ang komunikasyon at pagbyahe sa naturang lugar, lalo’t ang pinakamalapit na ospital ay kakailanganing lakarin sa loob ng isa’t kalahating araw at sakay ng motorsiklo. / Kabie Aenlle

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.