Matobato, naghain ng reklamong murder, kidnapping laban kay Duterte sa Ombudsman

By Mariel Cruz, Rohanisa Abbas December 09, 2016 - 10:36 AM

Edgar Matobato2Naghain ng mga reklamo ang self-confessed killer na si Edgar Matobato laban sa Ombudsman kay Pangulong Rodrigo Duterte at 27 iba pa ukol sa umano’y pagkakasangkot sa Davao Death Squad.

Sa pamamagitan ng abogado ni Matobato na si Atty. Jude Sabio, inihain ang mga reklamong murder, kidnapping, paglabag sa Republic Act No. 9745 o Anti-Torture Act, at R.A. No. 9851 Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity.

Ayon kay Matobato, si Pangulong Duterte ang nag-utos sa mga pagpatay.

Bukod kay Duterte, inirereklamo rin ni Matobato si Philippine National Police chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa, panganay na anak ni Duterte na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at iba pang pulis.

Hinihiling din ni Matobato na maimbestigahan ang umano’y pagkakasangkot ni Duterte sa Davao Death Squad.

Si Matobato na isang self confessed killer ang iniharap ni Sen. Leila De Lima sa isang pagdinig ng Senado ukol sa umano’y extra judicial killings na nagaganap sa bansa.

Ibinunyag din ni Matobato na dati siyang miyembro ng Davao Death Squad at marami na silang napatay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.