2 sugatan sa pagtama ng 6.2 magnitude na lindol sa China
Dalawa katao ang napaulat na nasugutan matapos tumama ang 6.2 magnitude na lindol sa Hutubi County sa northwest China, hapon ng Huwebes.
Natagpuan ng epicenter ng lindol sa 43.83 degrees north latitude at 86.35 degrees east longitude.
May lalim itong 6 kilometer at lubhang naramdaman sa Urumqi at iba pang bahagi ng northern Xinjiang.
Ang nasabing lindol ay sinundan ng mahigit 140 na aftershocks kung saan anim dito ay may lakas na 3 hanggang 3.9 magnitude.
Dahil sa lindol, mahigit dalawampung bahay ang lubhang nawasak at aabot naman sa 379 ang nagkaroon ng crack.
Kasunod nito, naglunsad na ang China Earthquake Administration ng emergency response at nagpadala na ng work teams sa Xinjiang para tumulong sa pagbibigay ng ayuda sa mga biktima.
Samantala, aabot naman sa dalawampu’t apat na train ang apektado dahil pansamantalang sinuspinde ang rail services.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.