Death penalty bill, hindi na mahihirapang makapasa sa Kamara ayon sa Minorya
Aminado ang Minority Bloc ng Kamara na hindi na mahihirapang makalusot sa plenaryo ang panukalang pagbuhay sa death penalty.
Ayon kay House Minority Leader Danilo Suarez na kahit sa minorya ay dadalawa lamang ang tumututol sa parusang kamatayan.
Sinabi ni Suarez na tiyak na dadaan sa mainit na debate ang panukalang, subalit mauuwi rin ito sa approval dahil malaki ang bilang ng mga kongresista, lalo na ang mga taga-supermajority, ang kumakatig dito.
Sa kanyang tantya, 20% ng miyembro ng Kamara lamang ang bobotong tutol sa death penalty bill habang ang walumpung porsyento ay boboto pabor.
Naniniwala pa ang mambabatas na iiral din ang takot sa mga kriminal kapag nakapagsampol na ang gobyerno sa pagpapataw ng parusang kamatayan.
Para naman kay Dinagat Island Rep. Arlene Kaka Bag-ao, sana raw ay hindi makapasa sa kongreso ang death penalty bill, kahit pa priority measure ito ng Duterte administration.
Ayon kay Bag-ao,na isa sa anim na bomoto ng tutol sa parusang kamatayan sa House Committee on Justice, ang death penalty ay nagsasaligal lamang ng extrajudicial killings.
Anti-poor din umano ang death penalty dahil sa sistema ng katarungan sa bansa ay dehado na sa simula pa lamang ang mahihirap kaya tiyak na ang sektor na ito din ang magdurusa kapag naibalik ang capital punishment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.