Work Stoppage Order sa gumagawa at nagbebenta ng paputok sa Bulacan, inalis na ng DOLE

By Erwin Aguilon December 08, 2016 - 02:48 PM

Kuha ni Ruel Perez
Kuha ni Ruel Perez

Inalis na ni Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III ang Work Stoppage Order para sa 48 gumagawa at nagbebenta ng mga pyrotechnics at firecrackers sa Bulacan.

Sinabi ni Bello na inalis ang stoppage order sa mga ito matapos sumunod sa labor and occupational standard.

Paliwanag ni Bello na kapag sumunod na sa labor and occupational standard ang isang establisyimiento na sumailalim sa work and stoppage order kaagad din naman nilang inaalis ang kautusan.

Ang mga ito ay kabilang sa 88 establisyimiento sa Bulacan na gumagawa ng mga paputok at pailaw na ininspeksyon ng DOLE Region 3.

Gayunman, sinabi ng kalihim na tinutulungan naman nila ang mga manggagawa na apektado ng work stoppage order.

Magugunitang inilabas ni Bello ang work stoppage order noong November 24 para sa lahat ng mga establisyimiento na gumagawa at nagbebenta ng mga paputok o pailaw sa buong bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.