Plunder, hindi tatanggalin sa listahan ng mga krimeng papatawan ng death penalty

By Isa Avendaño-Umali December 08, 2016 - 02:46 PM

death-penalty-0517Kinakatigan ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas ang pagsama sa plunder o pandarambong sa listahan ng mga krimen na papatawan ng parusang kamatayan.

Ang plunder ay kabilang na sa dalawampu’t isang krimen na papatawan ng death penalty sa ilalim ng substitute bill na inaprubahan ng House Committee on Justice.

Ayon kay Farinas, posibleng mabawasan pa ang mga nakalistang krimen sa panukala, pero hindi aniya dapat alisin ang plunder.

Paliwanag nito, ang plunder ay marapat lamang na ihanay sa heinous crimes lalo na kung masyadong malaki ang nadambong na salapi sa kaban ng bayan.

Mahirap din aniya kung aalisin ito sa mapapatawan ng parusang kamatayan dahil tiyak na aakusahan sila ng pagbibigay proteksyon sa kanilang interes lalo pa’t mga politiko at mga nasa gobyerno ang nasasabit sa pandarambong.

Nauna nang sinabi ni Farinas na maisasalang na agad sa plenaryo para sa sponsorship ang death penalty bill at mauumpisahan agad ang debate dito.

Gayunman, ang approval sa panukala ay hindi na ipipilit bago mag-Christmas break at sa halip ay pagbobotohan na lamang ito sa Enero 2017.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.