Bato, hindi pababayaan ang mga pulis na isinasangkot sa Espinosa killing
Tutulungan ni Philippine National Police chief Director Gen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa kanilang kakaharapin na kasong kriminal ang mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.
Ito ay matapos na sabihin ng National Bureau of Investigation na rubout at hindi shootout ang naganap na operasyon ng grupo nina Supt. Marvin Marcos sa loob ng kulungan para isilbi ang search warrant kay Mayor Espinosa.
Paliwanag ni Bato, iginagalang niya ang findings ng NBI at hahayaan niya ang mga ito na sampahan ng kasong kriminal ang kanyang mga tauhan.
Pero sakaling ituloy ang kasong murder, hihilingin ni Bato sa korte na ibaba ito sa homicide para makapagpiyansa ang kanyang mga tauhan.
Kapag naglabas naman ng warrant of arrest ang korte laban sa grupo ni Supt. Marcos, igigiit ni Dela Rosa sa korte na sa PNP Custodial Center ipiit sina Marcos.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi nya hahayaan na makulong sina Supt. Marcos at mas pinaniniwalaan niya ang kwento ng kanyang mga pulis kahit may findings na ang NBI na rubout.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.